Lunes, Setyembre 17, 2012
Ulan
Ulan.
Pauwi na rin ako sa aking tinitirhan ng bilang umulan. Gabi na. Di ko aasahang uulan dahil sa napaka init na panahon kanina. Di ko alam kung magiging masaya ba ako dahil sa lamig na himas ng mga hangin sa aking balat o maiinis dahil sa mga patak nitong dahan-dahang binabasa ang aking nakalugay na buhok.
Hanggang sa makarating sa kwarto. Mag-isa. Pipikit na sana ang mata nang may isang taong lumitaw sa aking isipan. Naalala ko ang mga salitang sinabi niya noon. Mga pangakong tila di na makapaghintay, Mga panahong gustong itigil ang oras, magkasama lang ng mas matagal. Masasayang oras naming magkasama sa ilalim ng payong habang umuulan at nauulanan.
Kahit ilang ulit mang umulan, alam kong ang mga hangin at patak nitoy kailanma'y di magiging paraan upang bumalik ka sa akin. Sapat ng maramdaman ito at isiping ikaw ay nariyan. Alam kong sa bawat pag ulan ng tubig dito sa mundo'y, ihahatid ng Diyos ang mga alaala mong kahit kailan ay hindi mawawala sa aking puso't isipan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento