Huwebes, Setyembre 27, 2012

Lesbians. Bakit kayo nagtatago?


Ano nga ba ang mga pananaw natin tungkol sa mga lesbian? Bakit kaya ‘di tulad ng mga bakla, wala masyadong lumilitaw na kaso ng mga lesbian sa lipunan? Nagtatago nga ba sila o sadyang takot lamang silang magpakilala?

Taliwas sa lakas ng loob ng mga bading, walang ganoon ka lakas na loob ang mga lesbian o mga tibo upang ipahayag ang kanilang mga saloobin at ang mga nais nilang iparating. Hindi nila ito naipapahayag sapagkat takot silang husgahan ng ibang tao. Kung maraming taong galit sa bakla, mas maraming  tao raw ang galit sa kanila. Bakit nga ba may mga ganitong sitwasyon sa lipunan? Sa aking palagay, ang mga babaeng tulad nila ay mas napapasama sa mga lalaki, mga lalaking naging impluwensya na ng kanilang buhay. Gaya rin ng mga dahilan ng pagiging bakla, mas napapalibutan sila ng lalaki sa pamilya kaya simula bata pa lamang ay nahuhubog at nababago na ang persepsyon at kanilang mga aksyon.

Marami na ring tunay na babaeng pumapatol sa kanila o sabihin nalang nating nakikipagrelasyon sa kapwa nila babae. Mas pamilyar at mas naiintindihan daw ng kapwa nila babae ang mga gusto nila, di gaya ng mga lalaking patuloy silang sinasaktan (hindi man lahat, pero karamihan). Isa rin ito sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga lesbian. Sa kadahilanang natatakot na at galit na sa mga lalaki (“man hater”) napipilitan silang makipagrelasyon sa kapwa nila babae upang maibsan ang lungkot ng pag-iisa.

Tulad ng mga debateng patungkol sa mga bading. Moral nga ba ang mga lesbian? Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit pilit nilang itinatago ang kanilang kasarian? Ilagay ang iyong mga komento hinggil sa usaping ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento