Lunes, Setyembre 17, 2012

Ngiti



Kilala tayong mga Pilipino bilang isa sa mga masasayang tao sa mundo. Alam nating hindi ganoon kadali mamuhay, ngunit bakas pa rin sa ating mga labi ang magagandang ngiting ating ipinapakita sa lahat. Sa lahat ng problemang dumating sa atinng buhay at sa ating bansa, hindi tayo nakakalimut maging positibo. Sa paraang ito, hindi lamang ating mga sarili ang ating natutulungan, kundi maging ang iba ay ating naiilawan sa madilim nilang mundo. Hindi naman sa sinasabi kong takasan natin ang ating mga problema, kailangan lang natin itong tanggapin upang sa ganoon sa halip na magdulot ito ng negatibong epekto sa atin ay matututo tayong tumayo at umahon kung saan man tayo inilagay ng Diyos.

Kaya mga kapwa ko Pilipino, tandaan na sa lahat ng pagsubok na darating, NGITI at DIYOS ang PANLABAN natin!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento