Huwebes, Setyembre 27, 2012

Lesbians. Bakit kayo nagtatago?


Ano nga ba ang mga pananaw natin tungkol sa mga lesbian? Bakit kaya ‘di tulad ng mga bakla, wala masyadong lumilitaw na kaso ng mga lesbian sa lipunan? Nagtatago nga ba sila o sadyang takot lamang silang magpakilala?

Taliwas sa lakas ng loob ng mga bading, walang ganoon ka lakas na loob ang mga lesbian o mga tibo upang ipahayag ang kanilang mga saloobin at ang mga nais nilang iparating. Hindi nila ito naipapahayag sapagkat takot silang husgahan ng ibang tao. Kung maraming taong galit sa bakla, mas maraming  tao raw ang galit sa kanila. Bakit nga ba may mga ganitong sitwasyon sa lipunan? Sa aking palagay, ang mga babaeng tulad nila ay mas napapasama sa mga lalaki, mga lalaking naging impluwensya na ng kanilang buhay. Gaya rin ng mga dahilan ng pagiging bakla, mas napapalibutan sila ng lalaki sa pamilya kaya simula bata pa lamang ay nahuhubog at nababago na ang persepsyon at kanilang mga aksyon.

Marami na ring tunay na babaeng pumapatol sa kanila o sabihin nalang nating nakikipagrelasyon sa kapwa nila babae. Mas pamilyar at mas naiintindihan daw ng kapwa nila babae ang mga gusto nila, di gaya ng mga lalaking patuloy silang sinasaktan (hindi man lahat, pero karamihan). Isa rin ito sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga lesbian. Sa kadahilanang natatakot na at galit na sa mga lalaki (“man hater”) napipilitan silang makipagrelasyon sa kapwa nila babae upang maibsan ang lungkot ng pag-iisa.

Tulad ng mga debateng patungkol sa mga bading. Moral nga ba ang mga lesbian? Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit pilit nilang itinatago ang kanilang kasarian? Ilagay ang iyong mga komento hinggil sa usaping ito.

Linggo, Setyembre 23, 2012

TUNAY NA LALAKI?











Maging Sensitibo

Hayaan nalang natin sila. Magkakasala lang tayo kung huhusgahan natin ang ating kapwa. Lahat tayo ay may karapatan para ipakita kung sino tayo..

kasarian

Bakit nga ba may mga tao parin na mabilis humusga sa isang tao kapag nalaman nilang "bakla" ito? Siguro dahil hindi ganoon kakomportable ang iba sa atin sa usapin ng "kasarian", o dahil naiiba sila sa mga nakikita natin sa pangaraw-araw. Pero para sa akin, walang karapatan ang ibang tao na husgahan ang mga "bakla", dahil hangga't walang ginagawang masama ang isang tao, wala tayong dahilan upang husgahan siya o ituring syang naiiba sa mga nilalang na ginawa ng Diyos. Naiiba man, tao pa rin sila na dapat respetuhin at mahalin. Ang iba nga sa kanila ay may talento at kakayahan na tanging sila lamang ang mayroon, at kakayahang magmahal ng buo.
Tanggapin, irespeto at mahalin natin sila dahil sila rin ay nilikha at mahal ng Diyos.

http://hickeysite.blogspot.com/2010/08/judge-gives-gays-end-around-to-truth.html

I AM NOT IMMORAL

Oo Bakla nga kami ngunit hindi ibig sabihin na kami ay IMMORAL!



Karapatang Pang-bakla

ni Shievar A. Olegario
  
 Tanging lahat ba ng tao ay may angking karapatan para sa kanilang sarili o sa lipunan? Nakikita ba natin na tayo ay malayang namumuhay sa ating lipunan? Ako ba ay malaya? Ikaw, malaya ka rin ba? Marahil hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng karapatan sa lipunan, tulad na lamang sa mga bading na katulad ko. Kami ay dumadaan sa kalupitan at karahasan ng pang-aapi. Namumuhay kami dito sa mundo na may halong sakit sa aming mga damdamin dulot ng pang-aapi sa aming kasarian. Anu ba ang turing nila sa amin? Kami ba ay mga salot lamang sa lipunan? May ginawa ba kaming masama upang pahiyain nila kami sa harap ng lipunan?

  Ang pang-aapi sa amin ay hindi lamang isang isyung pwedeng pabayaan at kalimutan. Ang isyung ito ay kailangan bigyan pansin at dapat talakayin ng maigi. Tulad na lamang sa sinabi ng United Nations (UN) Secretary-General Ban Ki-moon (sa http://www.gmanetwork.com/news/), ang isyu ng pang-aapi ay isang paglabag sa karapantang pantao, isang moral na kabalbalan at isang pampublikong krisis ukol sa kalusugan. Kung susuriin natin ang isyung ito, kailangan talagang tigilin na ang pang-aapi at karahasan sa mga homoseksuwal. Hindi lang karapatan namin ang nawawala bagkus pati na rin ang buhay ng ibang kabataan ay nawawala. Ito mismo ay dahil sa pang-aapi sa loob ng eskwelahan o mismong sa labas ng eskwelahan. Setyembre ng taong ito, may isang bata na nagngangalang “Jamey Rodemeyer” ang nagpakamatay dulot ng pang-aapi sa mga bading at kamuhian sa kanyang kasarian. Sinabi pa ni Jamey na "I always say how bullied I am, but no one listens. What do I have to do so people will listen to me?" Ilang buhay pa ba ang gusto nilang mawala? Ilang buhay pa ba ang gusto nilang kamuhian, saktan at bigyan ng karasahan? Karapatan lang naman ng mga homoseksuwal sa lipunan ang gusto kong makuha mula sa mamamayan. Kaming mga homoseksuwal ay tao rin. Hindi kami hayop ni hindi kami  isang basura na pwedeng itapon lamang kahit saan. Ang karapatan ng bawat tao ay hindi nahahati sa dalawa o sa isang kasarian. Ito ay sumasaklaw sa buong tao sa mundo. Tanging ang karapatan para sa homoseksuwal at karapatang pantao ay hindi naaiba ngunit ito ay iisa lamang at pareho ang layunin.

  Saludo ako sa opisyales ng pamahalaan na sumusuporta sa pagmumungkahi ng karapatan naming mga homoseksuwal. Tulad na lamang ng U.S. Secretary of State Hillary Clinton ( sa http://www.christianpost.com/news) na sinabing “…I am talking about gay, lesbian, bisexual, and transgender people, human beings born free and given bestowed equality and dignity, who have a right to claim that, which is now one of the remaining human rights challenges of our time.” Sana mula sa mga sinabi ng mga opisyales ng pamahalaan, mga hepe ng pangdaigdigang organisyason at mga homoseksuwal na nagluluksa ay mabuksan na ang mga mata ng mga nag-aapi at tapusin na ang karahasang ito. Sadyang lahat ng tao ay may karapatan mamuhay ng payapa at masaya. Hindi naman namin kailangan ng ispesyal na pagturing sa amin ngunit ang gusto ko lang ay bigyan rin kaming mga homoseksuwal ng karapatan na mamuhay na walang karahasan. Muli ako’y sumusuporta sa paglalaban ng karapatan para sa mga homoseksuwal na katulad ko. Sana ay mabigyan na ng importansya ang aming ipinaglalaban. Hinihiling ko na sana ay matapos na ang pang-aapi sa mga homoseksuwal at sana wala nang bata ang magpapakamatay dulot lamang ng pang-aapi sa kanyang kasarian.    


KASARIAN

Bangkang Papel

Ang parteng ito na inihandog ng MMK noong Sep. 22 lamang ay kumakatawan sa kung paanong tinatrato ng karamihan ang populasyon ng mga bakla. Nakakalungkot kung paanong hinuhusgahan sila ng mga tao dahil sa kanilang kasarian at hindi sa kung sino sila.

Sana naman ay maisip din nating tao din sila, may pag-iisip at may damdaming gaya rin ng lahat.

Martes, Setyembre 18, 2012

Kamusta na ang ating Paliparan?

by Vincent Rell Gonzaga

                     Itinuturing na salamin ng isang bansa ang paliparan, dahil dito ang una at huling nakikita ng mga dayuhang turista, maging ng mga Pilipinong bakasyonista at OFW kung sila'y aalis o darating sa Pilipinas. Ang ating pangunahing paliparan, ang Ninoy Aquino International Airport o mas kilala bilang NAIA, kamusta na nga ba? Tila ito'y di nabibigyan ng kahalagahan ng mas nakakaraming Pilipino, pati na rin yata ng ating pamahalaan. Sa dami nga naman ng problemang kinakaharap ng ating bansa, ano ba ang pakialam sa mga paliparan, ni hindi nga lahat ng mga Pilipino ang nakapupunta o nakakagamit nito. Ngunit, hindi dapat ito ang ating mentalidad, sapagkat ang paliparan ay isa ring imahen ng ating bansa.

                    May apat na passenger terminals ang NAIA at ang Terminal 1 ang pinakasikat, 'di dahil naging parte ito ng ating kasaysayan kung saan dito napaslang si Benigno "Ninoy" Aquino Jr. nang siya ay bumalik mula sa Amerika noon 1983, kundi dahil sa binansagan itong Worst Airport in Asia at pang-5 sa buong daigdig ng sleepinginairports.net, isang airport review website na kung saan ay nagpopost ang mga blogger sa kanilang mga karanasan sa mga paliparan sa buong mundo. Ayon sa kanila, ang NAIA Terminal 1 ay tila napag-iwanan na ng panahon; luma na ang mga nakapahaba ng mga linya kung ikaw ay nasa check-in lobby, immigrations at sa customs area, na nagiging perwisyo at 'di komportable sa mga biyaherong dayuhan at lamang sa aspeto ng imprastraktura ang nirereklamo ng mga frequent-flyer, maging sa loob kahit saan; sa departure o arrival area man ay naroroon ang mga ekstorsyonista, kahit sino na lang ang mangingikil sa iyo at ang ilan sa kanila, diumano ay mga empleyado sa nasabing paliparan. masakit mang isipin na sa mismong paliparan ay laganap din ang "kanser" na ito na sa akala natin ay sa lipunan lang makikita. Akalain niyong nagbabayad pa ang mga pasahero ng P750 para sa terminal fee at hindi pa kasama riyan ang travel tax. Saan kaya napupunta ang perang binabayad nila?
                 
                    At hindi lamang ito nagtatapos sa Terminal 1, maging sa 3 pang mga terminal ay may mga ulat din ng katiwalian ngunit 'di nga lang kasing lala. Tumungo naman tayo sa tinaguriang pinakabago, pinakamoderno, pinakamalaki at pinakakontrobersyal na proyekto ng pamahalaan, partikular sa mga paliparan, ang $649 million na NAIA Terminal 3. Sinumulan ang konstruksyon nito noon pang 1997 at nakaiskedyul na sanang buksan noong 2002, ngunit hindi ito natuloy dahil nasangkot ang ating pamahalaan sa mga legal na alitan, red tape, paglilitis ng mga kaso sa Estados Unidos at Singapore, pati na rin sa mga teknikal at mga alalahanin sa kaligtasan. Minsan nga itong tinawag na "white elephant" dahil baka hindi na ito kailan man magagamit ng publiko at masasayang lang ang napakalaking halagang ginastos ng ating pamahalaan at mga kontraktor. Matapos ang mga paglilitis ng Kataas-taasang Hukuman ay napagdesisyonan ng buksan sa publiko ang nasabing terminal noon 2008 na maka-ilang ulit ng naantala sa loob ng anim na taon.

                   Kung ihahambing natin ang ating mga paliparan sa ibang airports sa buong mundo, kaya ba nating makipagsabayan? Ikumpara natin ang NAIA sa Changi Airport ng Singapore na tinaguriang best airport, hindi lang sa Asya kundi sa buong mundo, isang maliit na bansa na may 5 milyong populasyon lamang ay nahigitan pa ang isang bansang mas malaki at may mahigit na 90 milyong mamamayan. Bakit kaya ganoon na lang kaganda at kamoderno ang kanilang paliparan? Siguro ay pinapahalagahan ito ng kanilang gobyerno at napupunta ang pondo sa tamang patutunguhan. Ang Thailand nga na kasabay lang ng Pilipinas noon ay napag-iwanan na tayo ngayon sa larangan sa kalidad ng paliparan at abyasyon.

                   Batay nga sa mga pagsasalarawang ito, totoo nga na salamin ng isang bansa ang mga paliparan. Sabi nga nila, ito ang first impression ng mga turista o bisitang dayuhan sa Pilipinas. Kung gayon, ito ba ay katanggap-tanggap para sa ating mga Pilipino? Ang maituringang low class, tialit at mapagtawanan sa kalidad ng ating mga paliparan na nagsisilbi sanang mukha ng Pilipinas sa buong mundo. Kayo na mismo ag huhsga, makilahok ang makialam dahil ang sa akin lang, ano kaya ang imaheng ipinapakita ng paliparang ipinangalan kay Ninoy sa administrasyon ni PNoy?